Manila, Philippines – Nakatakdang magpulong sa susunod na Linggo ang House Committee on Justice para paghandaan ng Kamara ang impeachment trial ni Comelec Chairman Andres Bautista.
Bagamat nakarecess sa Undas break, maglalatag na ang komite ng articles of impeachment na iaakyat sa Senado.
Uumpisahan na rin ang pagbuo ng team of prosecutors na haharap sa impeachment court.
Maglalaman ang articles of impeachment ng mga akusasyon kay Bautista.
Samantala, posible namang hindi maisama ang lahat ng mga alrgasyon laban kay Bautista kundi iyon lamang na may mga mabibigat na ebidensya.
Aminado naman si Umali na dahil hindi sila umabot sa determination of probable cause sa complaint kay Bautista, darating ang punto sa impeachment trial nito na pwedeng matulad sa naging paglilitis noon ni dating Chief Justice Renato Corona na kung saan sa kasagsagan na trial sa senado pa sila naghanap ng ebidensiya.