Manila, Philippines – Umapela ang Department of Justice kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na irekonsidera ang kanilang desisyon hinggil sa pagtatalaga sa Cagayan De Oro City Regional Trial Court para dinggin at litisin ang mga kaso laban sa mga miyembro ng Maute Group at iba pang dawit sa pag-atake sa Marawi City.
Sa liham ni Aguirre kay CJ Sereno, inihirit nitong sa Taguig RTC na lang idaos ang pagdinig laban sa Maute Terrorist Group.
Iminungkahi pa ni Aguirre na dapat italaga ang special intensive care area na matatagpuan sa Camp Bagong Diwa bilang detention facility ng mga naarestong Maute dahil ikinokonsidera ang mga ito bilang dangerous individuals.
Mayroon din aniyang clear and present danger sa mga police escorts and detainees at maging ang CDO hall of justice ay nasunog noong January 2015 kaya ito ay pansamantalang nakalagay sa city tourism hall kaya hindi nito kayang hawakan ang dami ng mga akusado at lahat ng mga dadalo sa pagdinig.
Umaasa naman ang DOJ na pagbibigyan ng SC ang kanilang kahilingan.
DZXL558