Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Justice Fernanda Lampas-Peralta bilang bagong Presiding Justice ng Court of Appeals (CA).
Si Peralta ay maybahay ni retired Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta.
Naging CA Associate Justice din siya sa loob ng mahigit 20 taon at dati na rin siyang naging Assistant Solicitor General.
Batay sa appointment paper, ipinagkakatiwala ni PBBM kay Peralta ang pinakamataas na posisyon sa Appelate Court.
Pinangunahan din ng pangulo ang panunumpa nito sa puwesto nitong Lunes, Novembre 18.
Facebook Comments