Justice Inting, pinarangalan ng kanyang mga dating kasamahan sa PAO

24

Manila, Philippines – Kinilala ng Public Attorney’s Office (PAO) si bagong  Supreme Court Associate Justice Henri Jean Paul Inting bilang pinakaunang PAO lawyer na natalaga sa Korte Suprema.

Pinangunahan ni PAO Chief Persida Acosta ang naturang seremonya kung saan ginawaran si Justice Inting ng isang blind-folded lady justice bilang testimonial award sa mga nagawa nito sa larangan ng hudikatura.


Sa kanyang speech, sinabi ni Inting na isang karangalan sa kanya na maging kauna-unahang mahistrado ng Korte Suprema mula sa PAO.

Aniya, ang kanyang karanasan sa naturang ahensya ang nagmulat sa kanya sa realidad sa judicial system sa bansa.

Si Inting ay itinalaga ng Pangulong Duterte bilang mahistrado noong May 27.

Facebook Comments

From Advertisers