Justice Jose Abad Santos General Hospital sa Maynila, maglilimita muna sa pagtanggap ng mga pasyenteng buntis

26

Lilimitahan muna ng Justice Jose Abad Santos General Hospital sa Maynila ang pagtanggap ng mga pasyenteng buntis.

Ayon sa Manila City Health Office, ang tatanggapin lang muna nila ay mga non-COVID na buntis na malapit nang manganak.


Ito ay dahil sa puno na rin ang non-COVID wards at recovery room ng ospital.

Umaabot na sa 240% ang occupancy rate ng kanilang non-COVID wards at recovery room.

Mananatili ang limitasyon sa pagtanggap ng OB-GYN admission hanggang sa ma-discharge na ang karamihan sa kanilang pasyente.

Facebook Comments