Justice Leonen, bukod tanging tutol sa deklarasyon ng martial law

Manila, Philippines – Bukod tanging si Associate Justice Marvic Leonen ang bumoto laban sa proklamasyon ng Martial Law sa Mindanao.

Batay sa resulta ng deliberasyon ng Korte Suprema, labing isa sa mga mahistrado ang pumabor sa pagbasura ng petisyon laban sa batas militar.

Ayon sa isang source, kasama sa labing isang mahistrado na nagpatibay sa constitutionality ng Proclamation No. 216 ni Pangulong Duterte ay sina:


Associate Justice Mariano Del Castillo na ponente sa kaso; at Associate Justices Presbitero Velasco, Teresita de Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Jose Mendoza, Estela Perlas-Bernabe, Francis Jardeleza, Bienvenido Reyes, Samuel Martires at Noel Tijam.

Tatlo naman sa mga mahistrado ang nagsabing dapat limitahan lamang ang saklaw ng martial law at hindi ito dapat ipatupad sa buong Mindanao, at kasama dito sina: Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio at Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa.

Sa ilalim ng Konstitusyon, may kapangyarihan ang Korte Suprema para tukuyin kung may sufficient factual basis ang deklarasyon ng martial law na ipinatutupad sa panahon ng pananakop o pag-aaklas at nanganganib ang kaligtasan ng publiko.

Facebook Comments