Justice Leonen, kumontra din sa hirit ni Labor Sec. Bello na i-abolish ang Bar exam

Kasado na ang 2020-2021 Bar examinations sa November.

Iginiit ito ni Supreme Court (SC) Associate Justice Marvic Leonen kasunod ng hirit ni Labor Secretary Silvestre Bello III na pag-abolish sa licensure exams para sa law at nursing professions.

Ayon kay Leonen, na siyang 2020-2021 Bar Chairperson, ang bar exam ay pinangungunahan ng Supreme Court at kasado na ang kanilang mga paghahanda.


Ito ay lalo na’t nagkaroon na aniya ng contract signing ceremony sa pagitan ng SC at ng Saint Louis University sa Baguio City, na isa sa testing centers para sa examinations.

Una nang iginiit ni Chief Justice Alexander Gesmundo na wala siyang nakikitang dahilan para alisin ang Bar examinations.

Aniya, sa pamamagitan ng Bar examinations, matutukoy ang mga “competent” na karapat-dapat sa legal profession.

Facebook Comments