Justice Lucas Bersamin, itinangging nagbotohan na ang Korte Suprema kaugnay sa Electoral Protest ni Bongbong Marcos  

Itinanggi ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin na nagbotohan na ang En Banc bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) kaugnay sa Electoral Protest ni Bongbong Marcos.

Sagot ito ng punong mahistrado matapos lumabas ang isang artikulo na nagsasabing pumabor ang PET kay Marcos sa botong 8-6.

Isinantabi umano ng mga mahistrado ang rule 65 na basehan ng recount sa tatlong pilot provinces na pinili ni marcos.


Sa halip, agad daw bibilangin ang boto sa 22 probinsya at limang lungsod na tinukoy sa protesta.

Ayon kay Bersamin, hindi niya alam kung ano ang naging basehan ng lumabas na artikulo.

Matatandaang ipinagpaliban ng PET ang paglalabas ng desisyon hinggil dito.

Facebook Comments