Itinanggi ni Associate Justice Marvic Leonen ang artikulo na lumabas sa Manila Times hinggil sa 5-million pesos na proposal daw niya para sa renovation ng Cottage G sa Baguio City.
Ayon kay Leonen, ang Supreme Court Maintenance Division ang gumawa ng naturang draft at hindi ang kanyang chamber
Hindi rin aniya ito dumaan sa kanyang tanggapan at inilagay ito sa Court En Banc agenda
Sa katunayan aniya, nang malaman niya ito ay agad siyang gumawa ng sulat na humihiling na i-withdraw ito at agad naman itong naalis sa agenda
Umapela naman si Leonen sa media na maging responsable sa pagbabalita at iwasan ang mga misleading na report.
Bagama’t may umiiral aniyang freedom of the press, bahagi rin aniya ng Journalism Ethics ang obligasyon nito sa pagpapahalaga sa decent o moral behavior.