Justice Priscilla Baltazar-Padilla, itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong Supreme Court Associate Justice

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Court of Appeals Justice Priscilla Baltazar-Padilla bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema.

Si Baltazar-Padilla ang papalit sa pwestong binakante ni Associate Justice Andres Reyes na nagretiro nitong Mayo.

Si Baltazar-Padilla ay nagtapos sa kursong Law sa Lyceum of the Philippines at kabilang sa listahan ng contender para sa Supreme Court position na isinumite ng Judicial and Bar Council noong nakaraang buwan.


Pumasok siya sa top 10 ng Bar Examinations at dating nagsilbing Political Science professor.

Nabatid na nakasaad sa Saligang Batas na binibigyan si Pangulong Duterte ng 90 araw para may mahanap na kapalit ni Reyes.

Facebook Comments