Justice Sec. Aguirre, dumepensa sa banat ng isang mahistrado na inimbento ang drug case ni Sen. De Lima

Manila, Philippines – Iginiit ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na hindi inimbento ng piskalya ang kaso laban kay Senador Leila de Lima kaugnay ng Bilibid Drug Trade.

Ginawa ni Aguirre ang pahayag bilang tugon sa sinabi ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na fabricated ang nasabing kaso ni De Lima.

sa kanyang dissenting opinion sa kaso ni De Lima , iginiit ni Justice Carpio na hindi ito pasok sa elemento ng pagbebenta at pangangalakal ng iligal na droga.


Ayon naman kay Aguirre, batid niya na may kanya-kanyang pananaw ang mga mahistrado ng Korte Suprema , subalit iginiit niya na hindi peke ang nasabing kaso.

Aniya, ang pananaw ng mayorya sa mga mahistrado ang may ligal na bigat.

Facebook Comments