Manila, Philippines – Pinabulaanan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang alegasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na hindi niya pinahahalagahan ang kaso ng 6.4 billion pesos shabu shipment na nakapuslit sa Bureau of Customs noong Mayo.
Ayon kay Aguirre, sa katunayan nagpalabas siya ng Immigration Lookout Bulletin Order laban sa mga sangkot sa shabu shipment.
Bukod dito, umu-usad naman aniya ang imbestigasyon ng DOJ hinggil sa nasabing kaso.
Sa draft report ng Senate Blue Ribbon Committee, lumalabas na ipinaubaya ni Aguirre sa kanyang mga deputy ang kaso dahil siya ay abala sa maraming trabaho.
Facebook Comments