Justice Sec. Aguirre, handang tumestigo sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Sereno

39

Manila, Philippines – Handa si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na tumestigo sa impeachment trial ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Aguirre, ito ay kung ipatatawag siya ng impeachment court.

Ito ay lalo na aniyat isa sa mga grounds ni Atty. Larry Gadon sa inihain niyang impeachment complaint laban kay Sereno ay ang sinasabing pagmanipula ng punong mahistrado at pag-aantala sa kahilingan ni Aguirre na mailipat sa Metro Manila ang mga kaso ng grupong Maute.

Tinukoy ni Gadon sa kanyang reklamo na bagamat naisama sa agenda ng Supreme Court En Banc session nuong June 6, 2017 ang liham ni Aguirre, hindi naman ito natalakay , at hindi rin nairaffle sa Korte Suprema bagamat ito ay dumaan sa docket.

July 18 na naaprubahan ng Korte Suprema ang hiling ni Aguirre matapos siyang magpadala ng tatlong liham.

Facebook Comments