Justice Sec. Aguirre, itinangging sa kanya nagmula ang report hinggil sa tangkang panunuhol ng LP sa pamilya ni Kian delos Santos

Manila, Philippines – Pinabulaanan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na sa kanya galing ang impormasyon na tinangkang suhulan ng Liberal Party ang mga magulang ni Kian Loyd delos Santos.

Ayon kay Aguirre, naitanong lang sa kanya ang nasabing impormasyon sa isang radio interview subalit wala siyang direktang nalalaman hinggil dito.

Wala rin aniya siyang binanggit na halaga sa sinasabing alok na suhol ng LP sa mag-asawang Saldy at Lorenza delos Santos para magamit ang isyu sa pagkamatay ni Kian, sa political propaganda ng opisisyon.


Una nang lumabas sa isang pahayagan na inalok daw ng ilang kasapi ng Liberal Party ang mag-asawang Delos Santos ng dalawang milyong piso para makuha ang kanilang kooperasyon at para magsalita laban sa extrajudicial killings.

Facebook Comments