Manila, Philippines – Naniniwala si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na may sumasabotahe sa kampanya ng administrasyon laban sa iligal na droga.
Ayon kay Aguirre, naniniwala siya na may mga grupong kumikilos para masira ang kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamoy.
Una nang inihayag ng Pangulong Duterte na ang sunud-sunod na pagkakapatay sa teen-agers na sina Kian Loyd delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman ay bahagi ng pananabotahe sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Una na ring inatasan ng pangulo si PNP Chief Ronald dela Rosa na imbestigahan ang nasa likod ng naturang pananabotahe.
Nagsasagawa na rin ang NBI ng imbestigasyon hinggil sa sunud-sunod na pagkakapatay sa tatlong teenagers.
Facebook Comments