Justice Sec. Aguirre, tiniyak ang patas na paghawak sa wiretapping case ni Sen. Hontiveros

Manila, Philippines – Tiniyak ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na magiging patas mga prosecutors ng pamahalaan na hahawak sa kasong paglabag anti-wiretapping act laban kay Sen. Risa hontiveros.

Ayon kay Aguirre, bagamat nasa ilalim ng kanyang pamamahala ang National Prosecution Service o NPS, walang dapat ikabahala dito si Hontiveros dahil ang NPS at ang korte naman ang may hurisdiksyon sa nasabing kaso.

Nag-ugat ang reklamo ni Aguirre sa privilege speech ni Hontiveros noong September 11 kung saan ibinunyag ng senadora ang text message daw ng kalihim kay dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras kaugnay ng sinasabing planong pagsasampa ng reklamo laban kay Hontiveros.


Una na ring naghain ng kaso sa Ombudsman si Paras laban kay Hontiveros noong Sept. 25.

Facebook Comments