Manila, Philippines – Tiniyak ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na mapaparusahan sa ilalim ng batas ang mga responsable sa pagkamatay ni Kian Loyd delos Santos.
Ayon kay Aguirre, ang nangyari kay Kian ay isang trahedya na hindi maaring palagpasin.
Ang pahayag ay ginawa ng kalihim sa harap ng mga pagdududa na bias siya sa nasabing kaso.
Una nang sinampahan sa Justice Dept ng kasong murder at paglabag sa anti-torture law ang mga pulis-Caloocan na sangkot sa pagpatay sa Grade 11 student.
Facebook Comments