Justice Sec. Guevarra, humingi ng pang-unawa sa religious leaders dahil sa pagbabawal pa rin sa mass religious gatherings

Humingi ng pang-unawa si Justice Secretary Menardo Guevarra sa mga lider ng simbahan at sa mga manananampalataya.

Sa harap pa rin ito ng pagbabawal sa pagdaos ng mass religious gatherings dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

Sinabi ni Guevarra na nauunawaan niya ang sentimyento sa harap ng limitado pa rin ang pinapayagan sa loob ng simbahan.


Sa text message ng Kalihim kay Pasig City Bishop Mylo Vergara, sinabi nito na dahil nasa ilalim na ulit ng General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) at ang nais ng Metro Manila Mayors ay mas mahigpit na implementasyon ng GCG.

Sa ilalim ng panuntunan ng Inter-Agency Task Force, hanggang 10 indibidwal lamang ang papayagang makadalo sa mga misa.

Sa labas naman ng NCR ay pinapahintulutan na ang hanggang 10 porsyentong dami ng mga magsisimba.

Facebook Comments