Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na suportado niya at ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang nais ng mga obispo sa Metro Manila na payagan ang 10% seating capacity sa mga simbahan at hindi iyong sampung tao lang ang payagang makadalo sa misa.
Sinabi ni Guevarra na base sa IATF guidelines ay hanggang 10% naman talaga ng kapasidad ng simbahan ang pinapayagan ng IATF sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) areas.
Gayunman, ang Metro Manila Mayors aniya ay nais na mahigpit na ipatupad ang GCQ at 10 indibidwal lamang ang pinayagan nila na makapasok sa mga simbahan.
Dagdag pa ng kalihim na ang mga nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) ay pinapayagan ng IATF ang hanggang 50% ng church seating capacity.