Justice Sec. Menardo Guevarra, inendorso sa Supreme Court Associate Justice post

Isang retired Sandiganbayan justice ang nag-endorso kay Justice Secretary Menardo Guevarra sa Supreme Court (SC) Associate Justice post.

Kaugnay ito nang nakatakdang pagreretiro ni SC Justice Jose Reyes.

Ang sumulat naman sa Judicial and Bar Council (JBC) para i-endorso si Sec. Guevarra ay si retired Sandiganbayan justice at dating Chief Presidential Legal Counsel Raoul Victorino.


Sinabi ni Victorino na bilang dating JBC member, naniniwala siya na panahon na para umupo sa pwesto ang kalihim sa Supreme Court.

Aniya, si Sec. Guevarra ay may magandang track record sa government service.

Facebook Comments