Justice Sec. Menardo Guevarra, nanghihingi ng kumpletong report sa kalagayan ng PDL sa Bilibid

Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Justice Undersecretary Deo Marco na magsumite sa kaniya ng report kaugnay sa kasalukuyang kalagayan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL).

Partikular sa nais malaman ni Sec. Guevarra ang sitwasyon ng mga preso sa New Bilibid Prisons (NBP) na tinamaan ng COVID-19, kabilang na ang mga sinasabing namatay sa nasabing sakit.

Samantala, kinumpirma naman ng Department of Health (DOH) na kahapon, July 19, 2020 na mayroong isang PDL sa NBP ang namatay dahil sa COVID-19.


Bukod diyan ay mayroon pa aniyang 13 preso na nakapiit sa hindi tinukoy na iba’t ibang kulungan sa bansa ang naitalang namatay rin dahil sa COVID-19.

Facebook Comments