Naniniwala si Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin Remulla na mabigat ang mga ebidensya sa pagkakasangkot ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) General Gerald Bantag sa pagpatay kay radio commentator Percy Lapid at sa inmate na si Jun Globa Villamor.
Ayon kay Remulla, wala siyang magagawa kundi ipatupad ang batas dahil may mga ebidensya aniya na si Bantag ang itinuturong mastermind sa krimen.
Gayunman, mas mapapadali aniya ang paggulong ng kaso kung susuko si Bantag para haharapin ang bintang sa kanya.
Kanina, isinampa na sa DOJ ang kasong double murder laban kay Bantag.
Bukod kay Bantag, nahaharap din sa nasabing kaso si Senior Jail Officer 2 Ricardo Zulueta at iba pang inmates mula sa New Bilibid Prisons (NBP).
Facebook Comments