Kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na makakapiling na ng kanyang pamilya sa Pilipinas si Mary Jane Veloso bago mag-Pasko.
Ayon kay Remulla, magkakaroon na lamang ng pinal na pag-uusap ang pamahalaan ng Pilipinas at Indonesia para sa kasunduan sa paglilipat kay Mary Jane sa piitan sa Pilipinas.
Sa ngayon, nasa Jakarta pa rin si Justice Undersecretary Raul Vasquez para sa pinal na pagplantsa sa kasunduan ng Pilipinas at Indonesia.
Ayon kay Vasquez, base sa nilalaman ng kasunduan, patas aniya ito kapwa sa Pilipinas at Indonesia.
Pinaghahanda na rin ng DOJ ang Bureau of Corrections (BuCor) at ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagdating sa Pilipinas ni Veloso.
Facebook Comments