Justice Sec. Vitaliano Aguirre – Naniniwalang Nakaroon Ng Lagayan Kaya Nakapuslit Papalabas Ng Bansa Si Wally Sombero,

18

MANILA – Naniniwala si Justice Sec. Vitaliano Aguirre na nagkaroon ng lagayan kaya nakalabas ng bansa nang walang kahirap-hirap ang dating pulis na si Wally SomberoIto ay kahit pa may inilabas na lookout bulletin ang Department of Justice laban dito.Ayon kay Aguirre – hindi man lang siya natawagan maging ang National Bureau of Investigation ng mga immigration officers bago napaalis si SomberoNakatanggap na lamang aniya siya ng tawag mula sa Bureau of Immigration noong wala na sa bansa si Sombero.Dahil dito, sinabi ni Aguirre na tiyak na may perang sangkot kaya nagawa ni Sombero na makaalis ng bansa patungong singapore na kalaunan ay bumiyahe naman patungong Canada.Samantala, pormal nang hihilingin ngayong araw ni Sen. Richard Gordon kay Senate Presidente Aquilino “Koko” Pimentel na ma-cite for contempt si Sombero.Pinapa-kansela na rin ng senador sa Department of Foreign Affairs ang pasaporte nito.

Facebook Comments