MANILA – Pinalagan ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang mga akusasyon ni Sen. Antonio Trillanes na sangkot ito sa nangyaring suhulan ng negosyanteng si Jack Lam at sa mga opisyal ng Bureau of Immigration.Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng senate blue ribbon committee sa Jack Lam bribery case, isa–isang sinagot ni Aguirre ang akusasyon ni Sen. Antonio Trillanes at sinabing imahinasyon lamang ito ng senador.Una rito, kinukwestyon ni SEN. Francis Pangilinan ang naging pahayag ni Aguire sa media noong nakaraang linggo na tatlong senador na kinabibilangan nina Trillanes, Pangilinan at Sen. Leila De Lima ang nagpaplano upang idiin siya sa isyu.Agad naman, humingi ng paumanhin si Aguirre sa pagdadawit kay Pangilinan ngunit tumanggi itong humingi ng paumanhin kay De Lima kahit iginiit na ng senadora na wala itong kinalaman .Ayon kay Aguirre – kailangan pa niyang kumpirmahin kung may kinalaman o wala ba talaga si De Lima at Trillanes sa tangkang pagdiin sa kanya sa Jack Lam bribery case.Pinagsabihan naman ni Committee Chairman Sen. Richard Gordon si Aguirre na huwag gamitin ang media upang malihis ang pangunahing usapin ng komite.Inaasahang haharap naman ngayon sa pagdinig ang mamamahayag na si Mon Tulfo kaugnay sa pagkakasangkot nito sa nasabing suhulan.
Justice Sec. Vitaliano Aguirre – Pinagsabihan Ng Senado Sa Pagiging Balat Sibuyas Sa Usapin Ng Pagdidiin Umano Sa Kanya
Facebook Comments