Manila, Philippines – Bukas si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa pag-inhibit sa imbestigasyon ng pagpatay kay Kian Loyd Delos Santos.
Reaksyon ito ni Aguirre sa hamon ni Senador Risa Hontiveros na mag-inhibit si Aguirre sa kaso ni Kian dahil sa kanyang pahayag na ang isyu ng pagkamatay ni Kian ay lumaki dahil sa pagsakay ng mga pulitiko.
Kasabay nito, hinamon din ni Aguirre si Hontiveros na mag-inhibit sa imbestigasyon ng Senado sa kaso ni Kian.
Iginiit ni Aguirre na nababahiran din ang kredibilidad ni Hontiveros dahil kilala itong kumokontra sa anti-drug war ng pamahalaan.
Facebook Comments