MANILA – Hinamon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre si Senadora Leila De Lima na ilabas ang ebidensya nito kaugnay ng akusasyong ibinalik niya ang espesyal na pribelehiyo ng bilibid inmates na nasa kustodiya ng AFP.Sa interview ng RMN kay Aguirre – aniya, nais lang ni De Lima na ibaling ang atensyon ng publiko dahil na rin sa nalalapit na resolusyon ng kanyang mga kaso.Maliban dito, itinanggi rin ng kalihim ang akusasyon ni De Lima na may ginagawang hakbang ang DOJ para ipaaresto siya kahit nakabinbin pa ang kanyang mga kaso.Giit ni Aguirre – walang nangyayaring “railroading” sa mga kaso ng senadora at dumaan aniya ito sa tamang proseso.Anumang araw, ilalabas ng DOJ ang resolusyon sa apat na kaso ni De Lima kaugnay ng pagkakasangkot nito sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons.
Justice Secretary Aguirre, Hinamon Si Sen. Leila De Lima Na Maglabas Ng Ibidensya Kaugnay Sa Akusasyon Na Pagbibigay Ng
Facebook Comments