Manila, Philippines – Ipatatawag ng senado si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II para imbestigahan ang umano’y pagpapakalat nito ng fake news.
Ayon kay Senadora Grace Poe — bilang kalihim ng DOJ, tungkulin ni Aguirre na beripikahin muna ang isang impormasyon bago ilabas sa publiko.
Matatandaang sinabi ni Aguirre na may kinalaman sina Senador Antonio Trillanes, Bam Aquino, Magdalo Rep. Gary Alejano at ang political adviser ni dating Pangulong Benigno Aquino IIi na si Ronald Llamas sa krisis ngayon sa Marawi.
Nag-ugat aniya ito nang makipagpulong ang mga mambabatas sa pamilya Alonto at Lucman sa Marawi City noong may 2, tatlong linggo bago ang paglusob ng Maute group sa lugar.
Una nang iginiit ni Aguirre na ‘misquoted’ lang siya ng media na agad namang pinalagan ng mga mamamahayag sa Department of Justice.
DZXL558