Justice Secretary Aguirre, nagbantang kakasuhan ang mga nagkakanlong sa iba pang suspek sa pagkamatay ni Horacio Castillo III

Manila, Philippines – Posibleng masampahan din ng kasong kriminal ang mga nagkakanlong sa mga suspek sa pagpatay kay Horacio Castillo III.

Ginawa ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang babala sa harap ng ulat na may ilang maimpluwensyang tao ang humahadlang sa pag-usad ng imbestigasyon.

Kaugnay nito, muling nanawagan si Aguirre sa mga magulang, mga kamag-anak, at mga kaibigan ng mga neophyte members ng Aegis Juris fraternity na may nalalaman sa pangyayari na lumantad na at tumulong sa imbestigasyon.


Ayon kay Aguirre, kasong obstruction of justice ang maaaring isampa sa mga nagkakanlong sa mga suspek.

Kahapon, kinasuhan na ng Manila Police District sa Department of Justice ang mga suspek sa pagkamatay ni Castillo.

Kabilang din sa kinasuhan ng obstruction of justice ang ina ng isa sa mga suspek na si Ralph Trangia na si ginang Rosemarie Trangia matapos nitong samahan ang anak na lumipad patungo ng Amerika.

Facebook Comments