Justice Secretary Aguirre, nagpahayag ng matinding pagkadismaya sa paglabas ng sinasabing text messages nila ni dating Cong. Paras

Manila, Philippines – Matinding galit ang nararamdaman ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa naging expose’ ni Senadora Risa Hontiveros hinggil sa sinasabing palitan nila ng text messages ni dating Cong. Jacinto Paras.

Batay sa privilege speech ni Hontiveros, naglalaman ang text message ng planong panggigipit daw ng kalihim sa senadora.

Sa statement na inilabas ni Aguirre, sinabi niti na dismayado siya sa senadora at maging sa miyembro ng media na kumuha ng larawan sa screen ng cellphone.


Aniya, malinaw na nalabag ang kanyang right to privacy of communication.

Malinaw din aniya itong paglabag sa Anti-Wire Tapping Law na may katapat na parusa.

Ayon kay Aguirre, nababahala siya na marami pa ang maging biktima ng ganitong uri ng paglabag sa right to privacy of communication.

Hindi naman itinanggi ni Aguirre ang nilalaman ng nasabing text message.

Sa hamon naman ni Hontiveros na mag-resign siya, inihayag nito na walang pumipigil sa senadora na manawagan ng kanyang resignation, subalit ang pangulo lamang aniya ang maaaring tumanggap ng kanyang resignation.

Facebook Comments