Idinipensa ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Department of Justice (DOJ) Spokesman Undersecretary Mark Perete kaugnay ng akusasyon ni Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo hinggil sa pakikialam daw nito sa kaso ng pagpatay kay AKO Bikol Representative Cong. Rodel Batocabe.
Ayon kay Secretary Guevarra, walang kinalaman si Usec. Perete sa imbestigasyon ng National Prosecution Service o NPS sa murder case laban kay Baldo.
Nagkataon lamang aniya na kamag-anak ni Usec. Perete si Daraga Vice Mayor Victor Perete.
Una nang iniutos ng Camarines Sur Provicial Prosecutor’s Office ang pagsasampa ng two counts ng murder laban kay Baldo at limang iba pang sangkot sa pagpatay kay Cong. Batocabe at sa Police escort nitong si Orlando Diaz noong December 22, 2018.