Justice Secretary Remulla, hindi kailangang magbitiw

Para kay House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe masyadong maaga at walang pangangailangan para magbitiw sa pwesto si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.

Pahayag ito ni Dalipe sa harap ng mga panawagan na bumaba na sa pwesto si Remulla makaraang maaresto ang anak nito dahil sa ilegal na droga.

Ayon kay Dalipe, kung magbibitiw si Remulla ay magugulo lang ang kaso ng 38-anyos na anak nito.


Dagdag pa ni Dalipe, walang dahilan para magbitiw si Remulla hangga’t nananatili ang tiwala sa kanya ng pangulo at nakikitang patuloy niyang nagagampanan ang trabaho bilang miyembro ng gabinete.

Facebook Comments