
Tiwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ibabasura ang kaso laban sa kaniya na isinampa sa Office of the Ombudsman.
Si Remulla ay isa sa mga naghain ng aplikasyon para maging susunod na Ombudsman kasunod ng pagreretiro ni Samuel Martires.
Pero lumabas kamakailan ang ulat na disqualified o laglag ang kalihim dahil sa kinakaharap nitong reklamo na may kaugnayan sa pagpapa-aresto kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte at pag-turnover sa kaniya sa International Criminal Court.
Sa isang pahayag, muling sinabi ni Remulla na hindi siya susuko sa aplikasyon kasabay ng paggiit na hinog na para maibasura ang kaso niya sa Ombudsman.
Ito ay dahil na rin sa kaso na nakahain sa Korte Suprema na may kaugnayan dito.
Una na ring nilinaw ng Supreme Court na hindi pa nagsisimula ang Judicial and Bar Council sa official betting process para sa naturang posisyon.









