#JusticeForHoracio fund raising campaign, nakakalap na ng halos P60,000

Manila, Philippines – Umaabot na sa P58,684 ang pondong nakakalap ng #JusticeForHoracio gofundme campaign simula nang ilunsad ito noong Lunes.

Ayon kay David Amor, ninong ni Atio, pinasimulan ng Colegio de San Agustin batch ’86 ang nasabing fund raising.

Malapit sa pamilya Castillo ang Colegio de San Agustin dahil dito nagtapos ng high school si Atio.


Samantala, sa nasabing halaga, hindi pa kasama dito ang mga pondong nakalap mula sa binuong BDO account para kay Atio.

Ang makakalap na pondo ay ibibigay sa pamilya Castillo bilang tulong sa mga gagastusin kabilang na dito ang pambayad sa mga abugado.

Kahapon sinabi ng tito ni Atio na si Dr. Gerardo Castillo na kukuha pa sila ng mga karagdagang abugado upang mas mabilis ang pag-usad ng kaso.

Nakikita kasi ng pamilya Castillo na mahaba pa ang proseso para makamit nila ang hustisya pero, hindi ito magiging hadlang para ipursige nila ang paghahanap ng katarungan.

Facebook Comments