Justin Bieber, engaged na

Kamakailan lamang ay nabalitang engaged na ang canadian pop superstar na si Justin Bieber sa isang modelo at TV personality na si Hailey Baldwin.

Nagsimula ang kanilang on and off na relasyon noong 2014, subalit sa kabila ng lahat ng ito ay nabalitaan ang pagkakabalikan ng dalawa noong nakaraang buwan.

Ayon sa Us entertainment website na TMZ, nagbakasyon ang magkasintahan sa isang resort sa bahamas at doon lumuhod at tinanong ni Justin si Hailey noong July 7. Pinakiusapan ng Security staff ni Justin ang mga costumers na bigyan sila ng privacy.


Pagkatapos kumalat ng balita ay nagbigay ng pahayag ang kanilang mga magulang.
Nag tweet ang Ama ni Hailey, “Sweet smile on my face ! me&wife (Kennya) Always pray 4 Gods will !! He is moving in the hearts of JB&HB Let’s all pray for His will to be done…Love you 2 so much !!! #Godstiming #bestisyettocome Congrats ?? @JeremyBieber @pattiemallette #PraiseJesus.” ngunit binura rin ito agad.

Nag post din naman ang Ama ni Justin sa Instagram kasama ang litrato ng kanyang anak at sinabing excited siya para sa panibagong kabanata at nag tweet din ang Ina nito ng Love love love love love love love.”

Facebook Comments