Pinoproseso na ng mga health officials ng United States ang pagpapalabas ng Jynneos vaccine doses para sa mga kaso ng monkeypox.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), nasa higit 1,000 doses na ng bakuna ang naaprubahan ng U.S noong 2019 sa national stockpile nito, kung kaya’t inaasahang ilalabas na ito sa mga susunod na linggo.
Ang Jynneos vaccine, na ginawa ng Bavarian Nordic A/S, ay inaprubahan sa U.S. para sa gamitin laban sa smallpox at monkeypox sa mga high risk adult na edad 18 pataas.
Samantala, inaasahan naman ng World Health Organization (WHO)na matutukoy na nito ang higit pang mga kaso ng monkeypox kasunod ng pagpapalawak ng surveillance ng ahensya sa iba pang mga bansa kung saan hindi karaniwang nakikita ang naturang virus.