Agad tatalakayin ng Mababang Kapulungan ang panukalang K + 10 + 2 na inihain ni dating Pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker at pampanga representative Gloria Macapagal-Arroyo.
Tiniyak ito ng House Committee on Basic Education and Culture na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo at Committee on Higher and Technical Education na pinamumunuan naman ni Baguio City Rep. Mark Go.
Sa ilalim ng panukala ni Arryorro ay babalik sa sampung taon ang basic education kung saan pagsapit ng 4th year high school ay graduate na ang estudyante.
Magkakaroon naman ng “+2” years na inihalintulad sa preparatory university education sa Europe para sa mga nais tumuloy sa professional degree.
Sinuportahan naman ni Sarangani Representative Christopher Solon ang panukala ni Arroyo sa layuning maging mas globally competitive ang mga mag-aaral sa bansa.