K-12 curriculum, i-re-review ng DepEd

Pinagsusumikapan ngayon ng Department Of Education na maitaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

 

Ito ay bunsod pa rin ng patuloy na pagbaba ng quality education sa bansa kasunod ng resulta na low proficiency level sa National Achievement Test o NAT.

 

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, ire-review ng ahensya ang curriculum mula kindergarten hanggang senior high school para maisaayos ang alignment sa content standards, performance standards, at competencies.


 

Bukod dito, isasailalim din sa training programs ang mga guro para iangat ang kanilang kapasidad.

 

Idinagdag ng kalihim na sa ngayon ay 900,000 ang mga guro sa bansa habang higit 27 million ang mag-aaral kaya kailangan pang tugunan ang pag-mobilize sa teaching personnel.

Facebook Comments