Manila, Philippines – Naghain ng motion for reconsideration sa Korte Suprema ang mga mag-aaral,mga magulang at mga guro mula sa Manila Science High School.
Kaugnay ito ng desisyon ng Supreme Court nagdedeklara sa K-12 program bilang constitutional.
Ayon kay Atty. Severo Brillantes na kumakatawan sa grupo,para sa iilang Pilipino lamang ang nasabing programa.
Hindi aniya kasi lahat ng mag-aaral ay gustong ituloy ang kanilang graduate study sa ibang bansa at hindi lahat ng mga nagsipagtapos sa kolehiyo ay nais magtrabaho sa abroad.
Ayon pa sa grupo, ang dapat mas tutukan ng pamahalaan ay ang pagdagdag ng mga silid-aralan at guro sa mga pampublikong paaralan upang mai-angat ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Facebook Comments