K-12, nire-review ng DepEd

Nire-review na ng Department of Education (DepEd) ang K-12 curriculum dahil sa tila pagbaba ng kalidad ng edukasyon.

Lumabas na nasa low efficiency level base sa resulta ng National Achievement Test (NAT).

Sa nangyaring budget hearing sa Kamara, sinabi ni Deped Sec. Leonor Briones, na kailangan pang gawing mas angkop ang mga aralin sa kakayahan ng mga estudyante.


Maliban sa mga guro, plano ring dagdagan ang non-teaching personnel para mas matutukan ng mga guro ang pagtuturo.

Pabor si Briones na huwag bigyan ng homework ang mga mag-aaral pero tuwing weekend lang at para sa Grades 1 hanggang 3 lamang.

Facebook Comments