K-pop girl group BLACKPINK inalala ang Manchester Arena bombing victims

Image via Instagram/ Blackpink Official

Sa isang concert ng K-pop girl group na BLACKPINK, inaalala nila ang mga naging biktima sa bombing sa Manchester Arena kung saan nag-concert si Ariana Grande noong 2017.

Pinakita ang kanilang mensahe sa kalagitnaan ng kanilang concert sa Manchester Arena, na parte ng kanilang Europe Tour.

“Blinks, thank you for being with us tonight.


“It’s a privilege to be performing here in Manchester, especially at this time. We send our love and prayers to the friends and families who fought through the hard times.

“We are here for you.

“#OneLoveManchester.”

Matatandaan na 22 ang namatay sa bombing noong Mayo 22, 2017 sa Manchester Arena.

Ang BLACKPINK ay binubuo ng apat na miyembro sa ilalim ng pamamahala ng YG Entertainment na sina Jennie, Lisa, Jisoo at Rosé.

Facebook Comments