K-pop star na si Nancy McDonie, proud sa kanyang Filipina bestfriend na si Charlie Dizon

Proud bestfriend ang peg ngayon ni Nancy McDonie ng K-pop girl group na Momoland para sa kanyang kaibigang si Charlie Dizon.

Sa kanyang Instagram story, masaya nitong binati si Charlie na nakatanggap ng Best Actress award sa pinagbidahang pelikula na ‘Fan Girl’ sa katatapos lamang na Metro Manila Film Festival (MMFF).

Say ni Nancy, deserve ng kanyang kaibigan ang award dahil sa amazing preformance nito sa nasabing pelikula.


Nabatid na 13 taon nang magkakilala si Charlie at Nancy matapos silang magsama sa isang training sa South Korea.

Bagama’t magkaiba na ng tinatahak na career, hindi pa rin daw kakalimutan ni Nancy ang unforgettable journeys nila ni Charlie.

Facebook Comments