K-to-12 Program, hindi bubuwagin

Walang plano ang Department of Education (DepEd) na ibasura ang K to 12 Program sa kabila ng umano’y “online misinformation.”

Ito ay kasunod ng plano ng Commission on Higher Education’s (CHED) na i-review at repasuhin ang sistema ng K to 12 Transition Program.

Ayon sa DepEd, hindi basta maaaring itigil ang programa dahil mayroong batas tungkol dito na Republic Act no. 10533 or “Enhanced Basic Education Act of 2013.”


Giit pa ng DepEd, mahigit 2.7 milyong estudyante na ang nakinabang mula sa programa matapos makatanggap ng “free or highly-subsidized” senior high school education sa mga pampubliko at private schools sa buong bansa.

Makasasama rin umano sa sistema ng edukasyon sa bansa kapag ibinasura ang naturang programa.

Facebook Comments