K to 12 program, iaalok na sa halos lahat na mga pampublikong paaralan sa bansa; sapat na classroom at pasilidad sa darating na pasukan – tiniyak ng DepEd

Manila, Philippines – Kasabay ng nalalapit na pasukan sa Hunyo, tiniyak ng Department of Education na sapat ang mga silid-aralan para sa K-to-12 program.

Ngayong darating na pasukan kasi sisimulan nang i-offer ng halos lahat na mga public school ang grade 12.

Sabi ni DepEd Usec. Jesus Mateo, maayos ang naging preparasyon nila lalo na pagdating sa usapin ng silid-aralan at pasilidad para sa senior high school.


Aniya, malaking tulong ang mataas na budget na inilaan ng gobyerno para sa edukasyon.

Kabilang rin sa tinututukan ng kagawaran ang teacher to pupil ratio na kasalukuyang nasa 1 is to 32.

Ito’y para masigurong nabibigyan ng mga guro ng sapat na atensyon sa pagtuturo ang lahat ng kanilang mga estudyante.

Facebook Comments