KAAGAPAY AKO OFW ASSOCIATION, TUMANGGAP NG P300-K NA TULONG PANGKABUHAYAN

CAUAYAN CITY – Iniabot ng Overseas Workers Welfare Administration ang P300-K na tulong para sa pandagdag kapital sa lumalagong kabuhayan ng Kaagapay Ako OFW sa bayan ng Quezon, Isabela.

Isinagawa ito sa ilalim ng Tulong Pangkabugayan sa pag-Unlad ng Samahang OFW (PUSO) ng naturang ahensya.

Binigyang diin naman ni Vice Mayor Daryl Gascon ang kahalagahan ng pera sa negosyo at sa ekonomiya at hinikayat na palaguin at alagaan pa ang matanggap na tulong para sa kanilang asosasyon.


Ang Kaagapay Ako OFW ay isang asosasyon sa nabanggit na bayan na kinabibilangan ng mga kasalukuyan o dating Overseas Filipino Workers.

Facebook Comments