KAALAMAN AT SERBISYONG PANGKALUSUGAN PARA SA MGA KABABAIHAN SA DAGUPAN CITY, TINALAKAY

Tinalakay ang ilang mga kaalamang pangkalusugan na may kinalaman sa mga kababaihan bilang bahagi na rin ng pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong buwan sa syudad ng Dagupan.
Saklaw ng nasabing lectures ang Libreng family planning services. Kabilang din ang pagbabahagi ng serbisyong pangmedikal tulad ng implant insertion, implant removal, at intrauterine device removal. Mayroon ding pamamahagi ng oral contraceptive pills, injection ng depo medroxyprogesterone acetate at iba pa.
Hatid ang Libreng family planning services at lectures ng mga katuwang na ahensya ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang City Population Office (CPO), City Health Office, at City Nutrition Office.

Samantala, bahagi pa rin ito ng pinag-iigting na healthcare system o ang kalusugan program ng LGU Dagupan. |ifmnews
Facebook Comments