KAALAMAN NG KABATAAN SA PAG-IWAS SA PAGKALUNOD, PINATATAG SA MGA PAARALAN SA BAYAMBANG

Nagbahagi ng kaalaman ang mga awtoridad sa mga paaralan sa Bayambang kaugnay ng pag-iwas sa pagkalunod kasunod ng naganap na insidenteng kinasangkutan ng ilang kabataan sa bayan.

Personal na nakipagpulong ang mga pulis sa mga mag-aaral at guro upang bigyang-diin ang kahalagahan ng ibayong pag-iingat, lalo na sa pagligo sa ilog at iba pang anyong-tubig.

Ipinaalala rin ang agarang pag-uulat sa mga kinauukulan sa oras ng emerhensiya upang maiwasan ang posibleng trahedya.

Bukod sa water safety awareness, isinama rin sa kampanya ang anti-suicide drive na naglalayong palakasin ang kamalayan ng mga kabataan sa mental health.

Hinikayat ang mga kabataan na maging bukas sa kanilang nararamdaman at huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa pamilya, guro, o awtoridad kung kinakailangan.

Magpapatuloy ang aktibidad sa iba’t ibang paaralan at komunidad upang higit pang mapalawak ang kaalaman at matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga residente, lalo na ng kabataan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments