Inilunsad ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Manaoag, Pangasinan ang Project Hard Hat upang palakasin ang kaalaman at kahandaan ng mga batang mag-aaral sa Child Development Centers sakaling may sakuna.
Binibigyang-diin ng proyekto ang mga hakbang na makakatulong sa pagbawas ng panganib sa kabataan at pagtuturo ng tamang aksyon sa oras ng sakuna.
Layunin nitong tiyaking handa at ligtas ang mga mag-aaral, kasabay ng patuloy na adbokasiya ng LGU para sa disaster preparedness sa buong komunidad.
Kasabay ng paglulunsad, ibinahagi rin ang nalalapit na Grand Lighting Ceremony sa Nobyembre 29 na may temang Carnival-Themed Christmas decorations.
Facebook Comments









