Nagsagawa ng isang symposium ukol sa Adolescent Sexuality and Fertility Awareness ang lokal na pamahalaan ng San Jacinto katuwang ang Population Program Office o PPO, at Provincial Population Cooperatives and Livelihood Development Office o PPCLDO para sa mga estudyanteng nasa ika-siyam at ika-sampung baitang sa San Jacinto National High School.
Naglalayon ang naturang aktibidad na magbigay ng kaalaman sa mga kabataan ukol sa bilang ng mga kaso ng maagang pagbubuntis at bilang ng mga kabataang walang trabaho sa lalawigan.
Binigyang-diin din ng mga tagapagsalita ang pag-iwas sa pre-marital sex na siyang itinuturong dahilan ng paglobo ng kaso ng maagang pagbubuntis.
Ang Adolescent Sexuality ay ang yugto sa buhay kung kailan tinutuklasan at nararanasan ng mga kabataan ang sekswal na damdamin. Samantala, ang Fertility Awareness naman ay ang pagkakaroon ng kamalayan sa kung paano at kailan maaaring mabuntis ang isang tao.
Sa kabila ng kinakaharap na suliranin ng mga kabataan, patuloy na pinapayuhan ng PPO at PPLDO ang mga kabataan na iwasan ang pakikipagtalik sa hindi wastong edad, upang makaiwas sa mga maaaring maging epekto nito. |ifmnews
Facebook Comments