Pinaiigting ang paglinang sa kaalaman sa agrikultura ng mga mag-aaral sa San Nicolas sa paglulunsad ng mga kagamitan para sa aktwal na pagkatuto.
Sa Cacabugaoan Elementary School, sumailalim sa rehabilitasyon ang garden plant box at pinalawak din ang fishpond sa paaralan upang matunghayan mismo ng mga mag-aaral ang pamamaraan sa pagtatanim at pangingisda.
Ayon naman sa mga guro, makatutulong ito para mas mapalalim pa ang kaalaman ng mga bata na maaari nilang madala sa labas ng paaralan.
Naisakatuparan ang rehabilitasyon sa ilalim ng Masonry Works Project ng lokal na pamahalaan na layon pang palawigin sa iba pang paaralan para sa karagdagang kaalaman ng mga mag-aaral bukod sa akademika. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









